by: peejhayemadera
Dumaloy ka aking luha,
Hagkan ang isang dukha.
Hugasan ang sugat,
pati ang pait at ang lahat.
Daloy ka aking luha,
Pawiin ang pusong aba.
Punasan ang bakas,
ng pighating lumalagaslas.
Haplusin mo ang pagdurusa,
Pahirin ang luha ng kusa,
Nang sa aking pagtulog,
kamay ng Langit ang dudulo
This entry was posted
on 6:31 PM
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
0 comments